Social Icons

Pages

Sunday, July 7, 2013

Napahiya

Isang umaga sa classroom ni Miss Bubuli, busy siya sa pagbabasa ng kanilang lesson for the day. Tumayo siya sa harapan ng mga grade 2 pupils.
Miss Bubuli: Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa iba't-ibang bahagi ng ating katawan. Ganito ang gagawin natin, ituturo ko ang parte ng aking katawan at sasabihin ninyo kung ano ito.
Class: Yes ma'am.
Miss Bubuli: Umpisahan n-atin kay Marta. Anong bahagi ng katawan ito? ( Sabay turo sa pigi )
Marta: Pigi, ma'am.
Miss Bubuli: Very good, Marta. Ikaw naman Jose, ano naman ang pangalan nito (nakaturo sa batok)
Jose: Batok po, ma'am.
Miss Bubuli: Correct. Well done, Jose.
Iginala niya ang paningin kay Bitoy na medyo inaantok.
Miss Bubuli: Bitoy, ikaw naman, ano namang bahagi ito (nakaturo sa ipin)
Bitoy: (Medyo nagulat at napatayo kaagad) Eh, ma'am, kuwan po.
Miss Bubuli: Huwag mong sabihin, Bitoy, na 'di mo alam kung anong pangalan nitong itinuturo ko ?
Bitoy: Alam ko po, ma'am.
Miss Bubuli: Ano? Sabihin mo na, dali!
Bitoy: Dahon ng malunggay, ma'am